Deklarasyon para sa NJ Department of Environmental Protection (NJ DEP):

El miércoles, más de 200 ciudadanos se reunieron en el Instituto de Tecnología de Nueva Jersey (NJIT) en Newark para la tercera audiencia pública sobre la Ley de Justicia Ambiental de Nueva Jersey (Ley EJ). Organizada por el Departamento de Protección Ambiental de Nueva Jersey (NJDEP), la audiencia abordó las nuevas propuestas de reglas para la Ley EJ, aprobada por el gobernador Phil Murphy el 18 de septiembre de 2020. Patricia Cortado fue una de los más de 45 ciudadanos que testificaron en la propuestas de reglas. Lo que sigue es su declaración original.

Kung naiintindihan natin ang mga kailangan nang mga frontline communities, mas malayo ang pwede nating puntahan. Ang ating demokrasya ay may malapit na relasyon sa panganib at ito ay hinahamon nang paulit-ulit. Dapat, kailangan natin palaging unahin yung mga solusyon na galing sa komunidad mismo. Hindi namin gusto ang anumang bagay na maglalagay ng pera kapalit sa aming buhay. Hindi namin gusto ang anumang bagay na mukhang maganda sa papel dahil ang mga pamantayan ay kaduda-dudang maging tapat. Hindi namin gusto ang anumang bagay na kukuha ng higit pa sa amin.

Wala nang bunutan ng maruming trabaho mula sa mga manggagawa sa anumang trabaho na inaalok nila sa amin; ng kultura mula sa amin gamit ang greenwashing methods na dapat na panatilihin ang isang malusog na relasyon sa lupa; ng mga pamilyang nilayo sa komunidad dahil tayo ay pinapailalim sa mabagal na pagkamatay dahil sa mga nakakalason na kemikal na ating nilalanghap at iniinom, sa mga komunidad kung saan tayo nagtuturo, nabubuhay, nagdarasal, naglalaro, nagmamahal, at lumalaki.

Kailangan mong bigyan ng halaga ang lokal na kapangyarihan. Hayaang ayusin ng mga pinuno ng komunidad ang boses ng mga tao. Bigyan mo kami ng sapat na oras para tipunin ang aming mga iniisip. Paunlarin natin ang ating mga kolektibong pangangailangan bago gumawa ng anumang desisyon, bago mag-apply ang anumang bagong pasilidad na magtatayo sa mga komunidad na sobra ang bighat sa mga tao. At oo- ang mga pasilidad ay katumbas ng mas bagong teknolohiyang nagpaparumi tulad ng gasification ng putik galing sa Aries Corporation.

Isipin nyo kung ano ang ibig sabihin ng aktibong pagkakaisa. Alam namin na ang pinakamahusay na mga kasosyo ay ang mga taong nakatuon sa pagprotekta at pagtatanggol sa aming mga komunidad mula sa malalaking polusyon tulad ng PVSC, Covanta, Darling, at maraming, marami pa sa aming purok. Bukod dito, meron pang 30+ planes at 100+ trucks bawat oras sa ibabaw namin, sa tabi namin, sa buong paligid namin, na yumayanig ang mga bahay dito. Hindi na kami makahinga, hindi na kami makaiwas.

Sobra na dito. Hindi na namin kaya.

At dahil alam namin na meron pang isang pasilidad na gustong maging kapit-bahay namin pero kailangan pa nilang humingi nang espesyal na pagpapahintulot para lasonin kami, ay hindi tama.

Karapatan nating mamuhay nang maypaninindigad. Kapag naisulat na ang mga batas, siguraduhing natin na ito ay pinakamatibay. Maaari ba nating malaman kung gaano tayo kalapit sa mga pasilidad na ito? Makakahanap ba tayo ng paraan para ipakita iyon? Maaari ba naming tiyakin na sila ay sumasalamin sa iyong malusog na relasyon sa mga taong nakatira at nagtatrabaho dito sa New Jersey, lalo na sa EJ Communities?

Tumulong na baguhin ang mga materyal na kondisyon na nagpapailalim sa amin dahil binabawasan nito ang halaga ng aming buhay dito. Ipakita nyo sa amin kung ano ang talagang handa nyong gawin para protektahan kami.


Sinulat ni Patricia Cortado